Monday, February 15, 2016

sinukwan festival


Sinukwan

Ipinamamalas ng Sinukwan Festival ang pagkakaroon ng mga Kapampangan ng hilig sa kasiyahan. Binubuo ito ng isang linggong pagdiriwang na kinatatampukan ng isang malaking sayawan sa kalye. Bawat bayan sa lungsod ng San Fernando ay mayroong kani-kanilang mga grupo na kalahok sa nasabing kumpetisyon. Ang mga ito ay sumasayaw sa saliw ng kantang “Atin Cu Pung Singsing” habang nakasuot ng makukulay na kasuotan. Taun-taon ay isinasaayos ng Save Pampanga Movement ang nasabing pagdiriwang, na ginagawa bilang pag-alala kay Aring Sinukwan, diyos ng mga Kapampangan noong unang panahon. Maliban sa pagsasayaw ay marami pang ibang mga programa at aktibidad ang ginagawa bilang bahagi ng pagdiriwang kabilang ang paligsahan sa pagkuha ng magagandang larawan, kumpetisyon sa pagkanta at pagsayaw at marami pang iba. 

Ang pagdiriwang ay kinakatampukan ng ibat ibang bayan na kung saan sila'y nagtatagisan at nagpapagalingan sa pagsayaw para makuha ang titulo at mahirang bilang kampiyonado. Kasama din dito ang paligsahan sa pagandahan at pagwapuhan ng mga hari at reyna ng sinukwan, na kung saan sila'y magsusuot ng magagarang kasuotan bilang bahagi ng kompetisyon.

Ang sinukwan ay isa ng celebrasyon na taon-taong inoorganisa, isa ito sa mga inaabangan at talagang ikinararangal ng mga kapampangan. 

No comments:

Post a Comment